Naglalakihang infra funds ng Kamara pinahaharang sa Senado; 2.3 million na mag-aaral na walang kuryente dapat gawing prayoridad
Sa harap ng pagbubunyag ni Senator Panfilo Lacson na bilyun-bilyong infrastructure budget insertions ng mga kongresista para sa kanilang mga distrito na ipinaloob sa 2021 national budget ay ang katotohanan naman na may mga sektor ang salat sa pondo batay na rin sa inihayag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na 2.3 million estudyante ang hindi nakakapagpartisipa sa distance learning dahil wala pa rin kuryente sa maraming lugar sa bansa.
Sa paghimay ng Senado sa 2021 budget ng Department of Education(DEped) at Department of Energy(DOE) ay inamin ng Deped na P3.85 billion ang kakailanganing pondo para mabigyan ng kuryente ang mga paralan habang sa panig ng DOE ay P25 billion ang kailangan para matanggal ang backlog sa household connections.
Hindi lamang problema sa distance learning ang pangunahing kinahaharap ng mga estudyante ngayong pandemic kundi mas dumoble pa ang bilang ng mga nawalan ng access sa edukasyon, health, housing, nutrition, sanitation,malinis na tubig at marami ang nakakaranas ng mental health issues.
Ayon sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) nangangailangan ng agarang tulong ng pamahalaan ang mga bata kaya umaapela ito sa Duterte administration na mapondohan ang pangangailangan ng mga ito.
Hamon ni Infrawatch Convenor Terry Ridon sa Senado na maigting na rebyuhin ang infrastructure allocations ng lahat ng mga congressional districts, ang pondo umano nito ay maaaring mailaan sa mas mahahalagang programa na pakikinabangan ng mas nangangailangang sektor.
“The senate should review all infrastructure allocations in all congressional districts and also not lose sight in similarly reviewing NTF-ELCAC’S P16.44B as these also include infrastructure projects which may be reallocated to more pressing current concerns such as distance learning, disaster response and the COVID 19 pandemic”paliwanag ni Ridon.
Sa paghimay ng Senado sa P667 Billion budget ng DPWH sa taong 2021 lumilitaw na P447B dito ay para sa mga congressional district,nasa P620M hanggang P15 Billion ang infrastructure projects ng bawat kongresista, nadiskubre din na mayroong mga double funding , overlapping projects sa mga distrito at biglaang insertions sa budget nang magpalit ng liderato sa Kamara at maupo si House Speaker Lord Allan Velasco, sinabi ni Lacson na sa laki ng insertions sa budget na ginawa ng Kamara ay sapat na sana para tulungan ang mga lugar na nasalanta ng mga nakalipas na bagyo.
Sinabi ni Lacson na sa kanilang pagbusisi sa inaprubahang budget ng Kamara ay malinaw na mayroon pa din “pork barrel” ang mga kongresista na naiba lamang ang pangalan ngunit parehas lang ang sistema.
“Hindi pork. Pero ‘di rin nabago. Hindi pork ang tawag, kasi walang post-enactment identification. Identified na. Kaya ang nangyayari, iniikutan nila ang SC ruling
Sa General Appropriations Bill(GAB) pa lang pina-identify ang proyekto, so walang pork in the strictest sense of the word. Pero sa implementation hindi nawawala ang commission,” paliwanag ni Lacson kung saan mas mataas na budget ay mas mataas na komisyon.
“some lawmakers are eager to realign funds to develop their districts, there are some who have shown no interest pursuing any local development program. Ang kinukwenta lang nila yung kikitain nila. Yan ang issue na nire-raise ko” pagtatapso pa ni Lacson.
Nang hingan ng reaksyon ay tumangging magkomento sa naglalakihang infracture funds si House Majority Leader Martin Romualdez, nang hingan naman ng komento si Speaker Velasco ay ipinasa nya ang pagsagot kay House Appropriations Chairman Eric Yap na hindi rin nagbigay ng reakyon gayundin si House Minority Leader Joseph Stephen Paduano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.