Global cases ng COVID-19 nadagdagan ng mahigit kalahating milyon sa magdamag
Umabot sa mahigit 527,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules, (Nov. 25) ay 60,072,894 na ang global cases ng COVID-19.
Sa magdamag, mahigit 165,000 ang bagong kaso na naitala sa US.
Habang mahigit 44,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 33,000 ang bagong kaso sa Brazil.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 12,945,454
India – 9,221,998
Brazil – 6,121,449
France – 2,153,815
Russia – 2,138,828
Spain – 1,614,126
UK – 1,538,794
Italy – 1,455,022
Argentina – 1,381,795
Colombia – 1,262,494
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.