Passenger service ng Angkas balik na ngayong araw

By Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Dona Dominguez-Cargullo, health, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog Breaking news, Tagalog News Website November 25, 2020 - 07:36 AM

Simula ngayong araw, November 25 ay balik na ang passenger service ng Angkas.

Simula noong magkaroon ng pandemya ay nahinto ang pagbiyahe ng Angkas bilang pagtalima sa pagpapairal ng social distancing.

Sa halip ay delivery service muna ang pinagkakitaan ng mga Angkas rider.

Simula alas 6:00 ng umaga kanina ay nagsimula na ang passenger service ng Angkas.

Ayon sa pahayag ng kumpanya, mayroon silang ilang adjustments na paiiralin para mas mapabuti ang serbisyo ngayong may pandemya.

Kabilang dito ang pagkakaroon na ng cashless transactions sa pagbabayad ng pamasahe.

Maaring gumamit ng credit card at debit card sa pagbabayad.

Ang mga pasahero ay kinakailangang mayroong sariling helmet.

Tiniyak din ng Angkas na ang kanilang mga rider ay regular na naisasailalim sa PCR Testing.

Lahat din ng motosiklo ng Angkas ay mayroong Passenger Shields para sa social distancing.

Pinayuhan ang mga pasahero na i-download na ang latest version ng Angkas App.

 

 

 

 

TAGS: Angkas, Angkas is Back, passenger service, Angkas, Angkas is Back, passenger service

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.