Panukala para sa mas mabilis na internet services sa bansa, pasado na sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon November 24, 2020 - 09:22 PM

Lusot na sa House Committee on Information and Communications Technology ang panukala para sa mas mabilis na internet service sa bansa.

Layunin ng substitute bill ng “Faster Internet Services Act” na inakda ni Albay Rep. Joey Salceda na magbigay ng minimum standards ng serbisyo ng internet sa buong bansa at protektahan ang consumers sa napakataas na singil sa internet.

Nakapaloob din dito ang “Truth in Published Rates and Speed,” kung saan maiiwasan na rito ang overcharging sa publiko ng hidden fees gayundin ang pagbabayad sa mga ipinangako at hindi naman maibigay na internet speed ng internet service providers (ISPs).

Nakasaad sa panukala na ang minimum broadband download speed sa subscribers ay hindi bababa sa 10 MBPs para sa mga nakatira sa mga lungsod at highly urbanized cities, 5 MBPs sa iba pang mga syudad at 2 MBPs sa rural cities o mga probinsya sa loob ng dalawang taon na compliance period ng fixed at mobile internet connectivity sa buong bansa.

Malinaw namang nakapaloob din sa panukala na hindi muna oobligahin na itakda sa minimum download speed sa susunod na limang taon ang mga Public Telecommunications Entity (PTE) at ISPs na magpapalawig ng kanilang serbisyo sa “greenfield service areas” o mga lugar na dating walang serbisyo ng internet na sinertipikahan naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Mahigpit na inoobliga ng panukala ang PTEs at ISPs na i-deliver ang 80 porsyento na advertised na broadband speed, 80 porsyento na maasahang serbisyo at 80 porsyento ng ipinangakong oras.

Mahaharap naman sa parusa ng National Telecommunications Commission (NTC) ang sinumang lalabag sa paiiraling pamantayan sa internet service na nakasaad sa batas at pinagtibay ng komisyon.

TAGS: 18th congress, Faster Internet Services Act, Inquirer News, internet service in Philippines, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda, 18th congress, Faster Internet Services Act, Inquirer News, internet service in Philippines, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.