Mahigit 13,000 pang SAP beneficiaries sa Caloocan tatanggap na ng kanilang second month cash pay-out
Karagdagang 13,886 na benipisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) sa Caloocan City ang makatatanggap na ng kanilang second month cash pay-out sa mga susunod na araw.
Ito ay batay sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Pamahalaang Lungsod ng Caloocan hinggil sa pamamahagi ng SAP sa mga mamamayan ng Caloocan.
Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, ang pondo na mula sa DSWD ay diretsong ibinibigay sa mga benepisyaryo at ang lokal na pamahalaan at tumutulong lamang sa DSWD sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang manpower.
Nagpasamalat si Malapitan sa DSWD at sa national government.
Ang listahan ng makatatanggap ng payout ay ibibigay sa barangay kasama ng cash reference number at nakatakdang schedule ng pagkuha sa anumang branch ng MLhuillier.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.