POGOs, binalaan ni PNP chief Sinas sa criminal activities

By Jan Escosio November 24, 2020 - 12:40 AM

Binalaan ni PNP Chief Debold Sinas ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa paglilihim o pagtatago ng mga ilegal na gawain ng kanilang mga empleyado.

Ginawa ito ni Sinas matapos maiulat ang isa namang insidente ng kidnapping na kinasasangkutan ng POGO workers sa Angeles City, Pampanga.

Sa huling kaso, nailigtas ng PNP – Anti Kidnapping Group ang isang babaeng Vietnamese – Chinese POGO worker na kinilalang si Vong Cam Lan at tatlong suspek ang naaresto na sina Rouhan Li, Qiang Zhang at Jing Li.

Kinidnap ang biktima noong Nobyembre 18 sa Makati City at dinala sa Barangay Pampang sa Angeles City.

Humingi ang mga suspek ng P161,800 ransom ang mga suspek mula sa mister ng biktima.

TAGS: criminal activities, Inquirer News, Kidnapping, pnp akg, PNP chief Debold Sinas, POGO, Radyo Inquirer news, criminal activities, Inquirer News, Kidnapping, pnp akg, PNP chief Debold Sinas, POGO, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.