Sen. Poe inihirit ang dagdag-budget sa DICT para sa mga guro, mag-aaral

By Jan Escosio November 24, 2020 - 12:10 AM

Hinikayat ni Senator Grace Poe ang mga kapwa senador na ikonsidera na madagdagan ang budget ng Department of Information and Communication Technology (DICT) para sa ‘Digital Learners Project.’

Paliwanag ng senadora, bumaba na sa P100 milyon na lang ang dating P3.44 bilyon budget para sa naturang programa.

Sinabi ni Poe na layon ng programang mabigyan ng laptops, pocket Wi-Fi devices at iba pang gadgets ang may kalahating milyong estudyante at 25,000 guro para sa kanilang ‘distance learning.’

Binanggit din nito na ang isang programa ng DICT, ang Tech4Ed, para naman magkaroon ng learning centers na makakatulong para makapag-aral at magkaroon ng trabaho ang mga mahihirap.

Sinabi niya na maging ito ay tinapyasan ng pondo, mula P363 milyon ay naging P150 milyon.

“Isa ito sa pinaka-kailangan ng taumbayan ngayon lalo na’t maraming nasalantang imprastruktura noong nakaraang bagyo at nawalan ng mga laptop, computer, at gadgets na kanilang kailangan sa pag-aaral at pagtatrabaho,” sabi ni Poe, na nagpapahatid tulong sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa pamamagitan ng Panday Bayanihan Foundation.

TAGS: DICT budget, Digital Learners Project, Inquirer News, Radyo Inquirer news, sen grace poe, DICT budget, Digital Learners Project, Inquirer News, Radyo Inquirer news, sen grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.