Reforestation program ng gobyerno, dapat maimbestigahan dahil sa pagbaha sa Luzon

By Erwin Aguilon November 23, 2020 - 03:35 PM

Naniniwala si Quezon City Rep. Alfred Vargas na dapat magsilbing ‘wake up call’ ang malawakang pagbaha sa Luzon para palakasin ang reforestation program ng pamahalaan at ang pangangalaga sa watersheds.

Dahil dito, inihain ni Vargas ang House Resolution 1361 para silipin ang status ng nasabing mga programa.

Partikular na gustong malaman ng kongresista kung anong ginagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kaukulang ahensya para tugunan ang problema sa illegal logging sa protected areas gaya ng Sierra Madre.

Dapat rin aniyang maipaliwanag kung bakit patuloy na pinapayagan ang quarrying activities sa Marikina watershed.

Binanggit ni Vargas sa resolusyon na base sa National Greening Program (NGP) noong 2011, itinakda sa 1.5 bilyong puno ang target na maitanim sa 1.5 milyong ektarya ng lupa hanggang 2016.

Bagama’t sinasabi anya ng DENR na nasa 1.7 bilyon ang naitanim na puno sa loob ng limang taon, makikita naman sa datos na nasa 23 percent lamang ang kabuuang forest cover ng Pilipinas na pinakamababa sa Asya.

TAGS: 18th congress, DENR, flooding, House Resolution 1361, Inquirer News, Radyo Inquirer news, reforestation program, Rep. Alfred Vargas, 18th congress, DENR, flooding, House Resolution 1361, Inquirer News, Radyo Inquirer news, reforestation program, Rep. Alfred Vargas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.