Pag-abruba ni Pangulong Duterte sa paggamit ng P2.5B para sa COVID vaccine magandang balita ayon kay Rep. Rida Robes
Welcome development para kay House Committee on People’s Participation at San Jose del Monte City Rep. Rida Robes ang pinakahuling development sa COVID-19 vaccine na aniya’y magbibigay ng pag-asa sa mga Pilipino.
Kasunod ito ng ulat ng Department of Health (DOH) sa meeting ng komite na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang paggamit ng P2.5 billion para mabakunahan ang 22 milyong Pilipino sakaling maging available na ang COVID-19 vaccine.
Ayon kay Dr. Aleli Annie Grace Sudiacal ng DOH Bureau of International Health Cooperation, ang alokasyon sa ilalim sa panukalang 2021 General Appropriations Act ay gagamitin sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility.
Ipinaliwanag ni Sudiacal na ang COVAX facility ay global sharing mechanism para sa sabayang pagbili at pantay na distribusyon ng COVID-19 vaccine.
Sinabi rin ng opisyal na natukoy na ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang 12 priority vulnerable groups na mababakunahan base sa guidelines ng World Health Organization Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE).
“This way we will be assured that manufacturers will produce the amount needed to vaccinate this eligible population,” saad ni Robes.
Pinuri naman ni Robes ang efforts ni Pang. Duterte at ng IATF para matiyak na hindi mapag-iiwanan ang Pilipinas sa oras na magkaroon na ng COVID-19 vaccine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.