Higit 200% hike sa budget sa repair sa power lines inihirit ni Sen. Gatchalian
Mula sa P200 million nais na madagdagan pa ng P550 million ni Senator Sherwin Gatchalian ang budget para sa pagsasa-ayos ng mga linya ng kuryente at imprastraktura.
Ginawa ni Gatchalian ang panukala sa paglatag niya ng 2021 budget ng National Electrification Administration at ang halaga ay para sa alokasyon sa Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund sa susunod na taon.
Paliwanag nito mula sa pagsabog ng bulkang Taal hanggang sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo, ang kabuuang pinsala ng sa power cooperatives ay umabot na sa P829 milyon.
Sinabi pa ng namumuno sa Committee on Energy bumaba pa sa P200 milyon ang pondo gayung ngayon taon ay napaglaanan ito ng P250 milyon.
Kayat giit ni Gatchalian hindi sasapat ang P200 milyon base sa mga naranasang kalamidad ng bansa ngayon taon.
Sinabi pa ng senador nais niyang madagdagan ang pondo para hindi na ipasa sa mga konsyumer ang gastos sa pagpapagawa ng mga nasisirang linya at poste ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.