SMC President at COO Ramon Ang naglabas ng “personal apology” sa aksidenteng nangyari sa Skyway; tulong sa mga biktima tiniyak

By Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2020 - 07:17 AM

Humingi ng paumanhin si San Miguel Corporation President at COO Ramon S. Ang kaugnay sa nangyaring aksidente sa Skyway Extension project site sa Cupang, Muntinlupa.

Kasabay nito ay tiniyak ni Ang sa mga biktima na tutulungan sila ng SMC.

Ayon kay Ang, bagaman ang proyekto ay pinamamahalaan ng project contractor na EEI Corporation, bilang project proponent ay responsibilidad ng SMC na tiyaking maibigay ang tulong sa mga biktima.

“Even with a contractor handling construction, ultimately, we are responsible for the welfare of those who were affected. I would like to personally apologize to the victims and their families, as well as to our larger community in Muntinlupa,” ayon kay Ang.

Tiniyak din ni Ang na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente at sinigurong ang SMC at ang contractor na EEI ay gagawa ng mga hakbang para hindi na ito maulit.

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Breaking News in the Philippines, eei, EEI Corporation, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Ramon Ang, Skyway extension project, SMC, Tagalog breaking news, tagalog news website, accident, Breaking News in the Philippines, eei, EEI Corporation, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Ramon Ang, Skyway extension project, SMC, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.