North Korea, nagpakawala ng dalawang ballistic missile
(Updated 8:34AM) Muling nagpakawala ng medium-range ballistic missile ang North Korea sa eastern coast.
Ayon sa pahayag ng South Korea’s Joint Chiefs of Staff (JCS) inilunsad ang missile alas 5:55 ng umaga mula sa western area ng Sukcheon at lumipad sa 800 kilometers ng East Sea o Sea of Japan.
Posibleng isang “Rodong ballistic missile” umano ang pinakawalan ng North Korea.
Kinumpirma naman ng isang US defense official na nagpakawala ng dalawang missile ang Pyongyang.
Huling nagpakalawa ng “Rodong missile” ang Pyongyang noong March 26, 2014. Kaya umanong targetin ng nasabing missile ang buong South Korean territory at mga major cities sa Japan dahil ang maximum range nito ay 1,300 km.
Ayon sa Defense Ministry ng South Korea, ginawa ng North Korea ang pagpapakawala ng ballistic missile ilang araw matapos ipag-utos ni Kim Jong-Un na palakasin pa ang kanilang nuclear at missile tests.
Magugunitang kamakailan ay pinatawan ng sanction ng United Nations ang North Korea dahil sa pagsasagawa nito ng nuclear test noong Enero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.