Mga kaanak ng media workers na pinatay sa Ampatuan massacre, hindi muna bibisita sa Maguindanao

November 22, 2020 - 07:40 PM

NOVEMBER 21, 2013
NOT FORGOTTEN The names of the victims of the Nov. 23, 2009 Maguindanao Massacre are written on markers at the carnage site in Barangay Salman, Ampatuan town in Maguindanao.
PHOTO BY NICO ALCONABA / INQUIRER MINDANAO

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi bibisita ang mga kamag-anak ng media workers na pinatay sa Ampatuan massacre case sa Maguindanao.

Ito ay dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Mary Grace Morales, ito ang unang pagkakataon na hindi siya bibisita sa massacre site sa loob ng 11 taon.

Napatay sa massacre ang asawa ni Morales na si Roselle Morales at kapatid na na si Marites Cablitas na kapwa nagtatrabaho sa News Focus.

Ayon kay Morales, mag-aalay na lamang sila ng misa sa Forest Lake Memorial Park sa General Santos City kung saan inilibing ang ibang media workers na kasamang pinatay sa masaker.

TAGS: Ampatuan massacre, COVID-19, Inquirer News, Mary Grace Morales, Radyo Inquirer news, Ampatuan massacre, COVID-19, Inquirer News, Mary Grace Morales, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.