Bangko Sentral ng Pilipinas may bagong logo

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2020 - 11:36 AM

Ipinasilip na sa publiko ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bago nitong logo.

Ayon sa BSP, ang bagong logo ay mayroon pa ring Philippine Eagle pero buo na ang larawan nito na kulay gold.

Ang inspirasyon sa bagong logo ay hango sa mga wildlife photographs ng aktwal na Philippine Eagles.

Makikita rin ang tatlong bituin sa ibabaw ng agila.

Ang paggamit pa rin ng agila sa bagong logo ay hindi lang layong i-represent ang BSP kundi maging ang sambayanang Filipino.

Gagamitin ang bagong logo simula sa January 2021.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, BSP, Inquirer News, new logo, philippine eagle, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, BSP, Inquirer News, new logo, philippine eagle, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.