Davao City inirekomendang maisailaim muli sa GCQ
Inirekomenda ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na maisailalim muli sa general community quarantine (GCQ) ang Davao City.
Sa ngayon ay modified GCQ ang umiiral sa lungsod.
Pero noong Miyerkules (Nov. 18) nagdeklara ng “restricted local government unit” sa lungsod bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19.
Handa naman si Davao City Mayor Sara Duterte na tumugon sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Ang Davao City ay mayroong 5,541 na kabuuang kaso ng COVID-19.
Sa nasabing biang, halos 2,000 ang aktibong kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.