Ethiopia, humihingi ng karagdagang tulong dahil sa dinaranas na tag-tuyot
Nanawagan si Ethiopian Prime Minister Hailemariam Desalegn sa ibang mga bansa ng mga karagdagang donasyon para mapunan ang malaki nilang pagkukulang sa pagkain dahil sa labis na tagtuyot.
Sa isang panayam, sinabi ni Desalegn na bagaman marami pang ibang problema sa mundo, hindi dapat pabayaan ang problema sa Ethiopia.
Aniya, karapat-dapat ang kaniyang bansa ng karagdagang tulong lalo na pagdating sa pagkain, dahil may 750,000 na refugees mula sa mga kalapit na bansa din ang kanilang kinukupkop.
Giit ni Desalegn, kapag may nangyaring masama sa kanilang bansa, kasalanan ito ng international community dahil hindi sila nagbigay ng tulong.
Napaka-kaunti lamang aniya ng tulong na ibinibigay sa kanila ng ibang bansa, at kadalasan pa ay huli na itong naibibigay.
Dahil dyan hinimok nila ang UNICEF na manghimasok na at magbigay ng solusyon sa problema, lalo’t kung sa tingin nila ay sukdulan na ang sitwasyon sa Ethiopia.
Hindi aniya sapat ang pakikipag-usap lamang dahil ang kailangan nila ay totoong solusyon.
Ayon sa mga aid agencies at pamahalaan ng Ethiopia, mahigit 10 million na mamamayan ang nagnangailangan ng urgent food aid, at mahigit sa $1.4 billion ang kanilang kailangan para masolusyunan ang krisis na ito ngunit nasa kalahati pa lamang ang kanilang nalilikom.
Pinakamalaking donor ang US dahil sila ay angbigay ng $532 million na halaga ng humanitarian assistance simula pa noong October 2014.
Ang nangyayaring tag-gutom sa Ethiopia ay sanhi ng El Niño na sumira sa mga pananim at pumatay sa mga hayop sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.