Full service ng Globe, naibalik na sa Camarines Sur

By Angellic Jordan November 19, 2020 - 03:10 PM

Naibalik na ang full service ng Globe sa Camarines Sur.

Ito ay matapos maapektuhan ang serbisyo ng telecommunications company sa nasabing probinsya bunsod ng Bagyong Ulysses.

Sinabi ng Globe na maaari nang makapag-access sa mobile at internet services ang kanilang customers.

Tiniyak din nito na patuloy ang pagtatrabaho ng kanilang network operations teams para maayos ang mga naapektuhang cell sites.

Nauna nang naibalik ang full services ng Globe sa Albay, Abra, Apayao, Aurora, Bataan, Batanes, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Ifugao, Isabela, Kalinga, Laguna, La Union, Marinduque, Masbate, Metro Manila, NCR, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pampanga, Pangasinan, Rizal, Sorsogon, Tarlac at Zambales.

TAGS: BUsiness, Globe, Inquirer News, Radyo Inquirer news, BUsiness, Globe, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.