Rekomendasyon para sa advance payments sa bakuna kontra COVID-19 inaprubahan na ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2020 - 12:16 PM

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na magkaroon na ng advance payments ang Pilipinas para sa bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng pangulo ang pagpasok ng bansa sa Advance Market Commitments (AMCs) sa mga pribadong vaccine developers.

Inaprubahan din ng pangulo ang agad na paglalabas ng advance payments sa mga kumpanyang lumikha ng bakuna.

Kabilang sa posibleng isagawa ay ang pagkakaroon ng Private-Public Tripartite Agreements kung saan walang gagastusin ang pamahalaan.

Inaprubahan din ni Pangulong Duterte ang paglalabas ng Executive Order para sa Emergency Use Authority sa bakuna.

Una rito, kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III na nakumbinsi ng IATF si Pangulong Duterte na mag-isyu na ng EO habang maaga para hindi matagalan ang pag-roll out ng COVID-19 vaccine ang proseso ng emergency use authorization.

Sinabi ni Duque na maaring sa 2nd o 3rd quarter ng 2021 ay may bakuna na laban sa COVID-19.

 

 

 

 

 

TAGS: advance payments, Breaking News in the Philippines, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, president duterte, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, advance payments, Breaking News in the Philippines, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, president duterte, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.