DSWD hiniling ni Sen. Ralph Recto na mag-ala Santa Claus at ipamahagi ng P80B na natitirang pondo
May pitong linggo pa ang natitira sa taon 2020 at sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na maaring pang umaktong Santa Claus ang DSWD sa pamamagitan ng mabilis na pamamahagi ng P80 bilyong natitira sa kanilang pondo.
Ayon kay Recto maaring gawin prayoridad pa ng DSWD ang mga labis na nasalanta ng nagdaang tatlong bagyo.
Paliwanag ng senador hanggang Disyembre 31 ay magagamit pa ang pondo.
Ngunit naghain na rin ng panukala si Recto para paigting pa ang bisa ng Bayanihan 2 para magamit ang pondo ng mga ahensiya ng hanggang sa susunod na taon.
Una nang sinabi ng DSWD na ang P6 bilyon na hindi naipamahaging SAP ay nailaan na sa bagong programa.
Ayon kay Recto ang P6 bilyon ay maaring ipambili ng anim na milyong sako ng bigas na tig-25 kilos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.