Daily water service interruption ng Maynilad nagsimula na
Nagsimula na ang daily water service interruption ng Maynilad sa Metro Manila at Cavite.
Ito ay dahil sa makapal na putik na pumapasok sa treatment basins ng Maynilad.
Simula alas 4:00 ng madaling araw ngayong Huwebes, Nov. 19 ay may ipinatupad nang water service interruption sa ilang mga lugar sa Metro Manila at Cavite.
Kabilang sa maaapektuhan ang maraming mga barangay sa sumusunod na lugar:
– Manila
– Pasay
– Paranaque
– Bacoor City
– Imus City
– Kawit
– Quezon City
– Makati City
– Muntinlupa City
– Las Pinas City
– Caloocan City
– Noveleta
– Valenzuela City
– Cavite City
– Malabon City
– Navotas City
May mga lugar na 12-oras ang water service interruption, sa iba ay 14 na oras, 15 oras, 19 na oras, at sa iba ay 20-oras ang water interruption.
Payo ng Maynilad sa kanilang customers, palagiang bisitahin ang kanilang Facebook Page dahil doon ibinabahagi ang oras at petsa ng interruption.
Narito ang mga lugar, petsa at oras na pagkawala ng suplay ng tubig:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.