Mga naka-recover sa COVID-19 sa Baguio, lagpas 2,300 na
Umabot sa 19 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Lunes ng gabi (November 18), umabot na sa 2,826 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 431 ang aktibo pang kaso.
71 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 2,356 na ang total recoveries sa Baguio City habang 39 pa rin ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 4,497 ang aktibo habang 3,173 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 23,563 na residente habang 18,585 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.