COVID-19 recoveries sa Mandaluyong City, sumampa na sa 5,400
Napaulat ang 15 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:44, Miyerkules ng hapon (November 16), 5,718 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 129 ang aktibong kaso.
Isa naman ang itinuturing na probable case habang 259 ang suspected cases kung saan 23,060 ang cleared na.
12 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,406 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 183 pa rin ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.