Dalawang warehouse sa Binondo, Maynila ipinasara ni Mayor Moreno

By Chona Yu November 18, 2020 - 05:21 PM

Manila PIO photo

Agad na ipinasara ni Manila Mayor Isko Moreno ang dalawang warehouse sa Binondo matapos mapag-alaman na nagbebenta ng mga pekeng produkto sa mga online shop tulad ng Shopee at Lazada.

Personal na inihatid ni Mayor Isko ang closure orders sa mga nagpapaupa sa warehouse na sina Jerry Ong at Johnson Sy.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Permits, nabatid na walang business permit ang mga naturang warehouse habang tinatangkilik ng mga mamimili sa loob at labas ng Maynila ang kanilang mga produkto.

“Dito sa Manila, pwede kayo business, pero kailangan permit. Hindi pwede business walang permit. Walang masamang magnegosyo sa Maynila pero kung walang permit, huwag,” pahayag ni Mayor Isko.

“Hindi kayo pwedeng siga dito, dayo lang kayo dito. Hindi kayo pwede mag-araw-araw dito sa Maynila,” dagdag ng Mayor.

Bukod dito, ang dalawang warehouse ay nabigo ring magsumite ng license to operate mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Kabilang sa mga produktong natagpuan sa loob ng unang warehouse ay mga pekeng shampoos, lotion, body wash, bath bomb, at iba pang mga pekeng produktong high-end na may tatak ng Unilever, Procter at Gamble, Victoria’s Secret, Calvin Klein, at Bvlgari.

Samantala, kahun-kahon ng Johnson & Johnson baby lotion, Cetaphil, sabon at iba pang mga produktong pampaganda ang natagpuan sa pangalawang bodega.

“I think Shopee and Lazada should do some due diligence. It is not always the money, about earning, it’s always about protecting your consumer,” pahayag ni Mayor Isko.

Inatasan din ng Alkalde sina Bureau of Permits Director Levi Facundo at Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) Chief na si Police Major Rosalino Ibay na makipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation at mga kumpanyang nasangkot para sa karagdagang pagsisiyasat.

Alinsunod sa Section 199 ng City Ordinance No. 8331, hindi kukulangin sa P1,000 at hindi hihigit sa P5,000 o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa isang buwan o higit pa sa anim na buwan, o pareho, ang maaaring harapin nina Ong at Sy.

Manila PIO photo

TAGS: closed warehouse in Binondo, Inquirer News, Jerry Ong, Johnson Sy, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, closed warehouse in Binondo, Inquirer News, Jerry Ong, Johnson Sy, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.