Ilang kalsada, sarado pa rin dahil sa #UlyssesPH
Hindi pa rin maaaring daanan ang ilang kalsada sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Batay sa abiso hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (November 18), nasa 12 kalsada ang sarado pa rin sa mga motorista.
Ito ay bunsod ng naitalang soil collapse, landslide, mudflow, debris flow, natumbang puno at baha dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulang dala ng bagyo.
Sa 12 kalsada, nasa dalawa rito ang nasa Cordillera Administrative Region (CAR), apat sa Region 2, lima sa Region 3, at isa sa CALABARZON.
Maliban pa dito, anim pa ring kalsada ang may limitadong access.
Dalawa sa nasabing bilang ay nasa Region 3 habang tig-iisa naman sa CAR, Regions 2, 5 at 8.
Tuloy pa rin naman ang clearing operations ng kagawaran sa mga apektadong kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.