Navy Ships ng South Korea nagsagawa ng passing exercise sa bansa; dala ang mga donasyong face masks at hand sanitizers
Nagsagawa ng passing excercise ang BRP Conrado Yap (PS39) ng Philippine Navy kasama ang dalawang barko ng Republic of Korea Navy (ROKN).
Ang mga barko ng South Korea na ROKS Kang Gam-chan (DDH-979) at ROKS Soyang (AOE-51) ay dumaan sa bansa dala din ang mga donasyong face masks at hand sanitizer para sa Pilipinas.
Ang mga donasyon mula sa South Korea ay kinabibilangan ng 10,000 piraso ng face masks at 2,000 piraso ng hand sanitizers.
May dala din silang banner namay nakasulat na “Not once have we forgotten your sacred sacrifices” na bahagi ng pag-aalala at pasasalamat sa Pilipinas sa pagpapadala ng tropa ng militar noong 1950 Korean War.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.