Guro na responsable sa body-shaming sa aktres na si Angel Locsin sa isang DepEd module dapat turuan ng leksyon

By Erwin Aguilon November 18, 2020 - 11:04 AM

Hindi sapat para kay Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang paghingi ng paumanhin ng Department of Education para sa ginawang body-shaming ng isa nitong guro sa aktres na si Angel Locsin.

Sabi ni Ong, dapat mabigyan ng nararapat na parusa ang gumawa nito sa aktres para sa aniya ay “serious display of ignorance” at “grievous negligence”.

Hindi anya dapat kalimutan na lamang ng DepEd ang isyu dahil nakasalalay din dito ang kredibilidad ng teaching profession sa bansa.

Iginiit ni Ong na hindi lamang sapat na maturuan ng mga guro ang mga bata kung paano magbasa at magsulat gayundin ng iba pang mga leksyon sa iba’t-ibang asignatura, dapat din any ana ituro ang tamang asal at wastong pag-uugali pati na ang pagrespeto sa kapwa.

“Dismissing this issue as something that can just go away easily is completely wrong. People who are responsible for this kind of disrespect must be held responsible for theiractions. Hindi pwedeng sorry lang okay na,” pahayag ni Ong.

Kakatwa anya na nagpasa ng batas ang Kongreso para sa pagbabawal sa bullying lalo na sa mga paaralan pero ang mismong mga guro naman ay nagtuturo nito sa mga bata dahil lamang sa panlabas na kaanyuan ng isang tao.

Ipinapakita din anya ng pag-amin ng DepEd na ang module na naibigay sa bata ay hindi sanction ng kaagawaran at ginawa lamang ng guro na wala itong kontrol sa mga itinuturo ngayong nagpapatupad ng blended learning dahil sa COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ni Ong, “They should not use the honorable doctrine of ‘academic freedom’ as an excuse. School division heads and school principals are there to ensure that our teachers are properly supervised”.

 

 

 

 

 

TAGS: Angel Locsin, body shaming, deped, deped module, Angel Locsin, body shaming, deped, deped module

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.