Laguna at Quezon uulanin sa susunod na mga oras
By Dona Dominguez-Cargullo November 18, 2020 - 09:19 AM
Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang lalawigan ng Laguna at Quezon.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 9:05 ng umaga ngayong Miyerkules, Nov. 18 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na malakas na hangin ang mararanasan sa dalawang lalawigan.
Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng epekto ng mararanasang pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.