#NaasarAngPangulo at #NasiraanAngPangulo trending sa Twitter
Matapos ang matinding patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo, tatlong hashtag na ang pangulo ang topic ang trending sa Twitter.
Miyerkules (Nov. 18) ng umaga, tatlo sa limang top Philippine trends sa Twitter ay tungkol sa pangulo.
Kabilang dito ang “#DuterteMeltdown”, “#NasiraanAngPangulo” at “#NaasarAngPangulo”.
Maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya nang sabihan ni Duterte si Robredo na itigil ang pakikipag-kumpetensya sa kaniya sa pagtugon sa kalamidad.
Sa kaniyang speech kagabi, 20 minutong binanatan ng pangulo si Robredo.
Ang bise presidente kasi ang iniisip niyang may pakana ng pagkalat ng hashtag na #NasaanAngPangulo noong kasagsagan ng panalalasa ng bagyo.
Pero ayon kay Robredo, kahit minsan ay hindi siya nagtanong at kahit minsan ay hindi niya hinanap ang pangulo.
Maari aniyang nabulungan na naman ng fake news ang pangulo kaya pikon na pikon na naman ito sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.