P20 Million na bahagi ng dirty money inilagay sa kotse ng bank manager ng RCBC
Ipina-palagay na bahagi ng hinahanap na $81 Million ang P20 Million na isinakay sa kotse ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) Jupiter branch manager na si Maia Santos-Deguito noong February 5.
Sa nasabing petsa rin sinasabing naipalit mula sa Dolyar patungong Peso ang Dollar account na nakapangalan kay William So Go.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ng dating head ng customer service ng RCBC Jupiter branch na tumawag sa cash center ang kanilang assistant manager na si Angela Torres para mag-request ng P20 Million cash.
Pasado alas-singko ng hapon nang dumating sa kanilang bangko ang armored car na may dala ng nasabing pera.
Kaagad na binilang ang naturang salapi bago inilagay sa isang kahon at ipinasok sa opisina ni Deguito na noo’y nasa labas at may kausap sa telepono.
Makalipas ang halos ay isang oras ay inutusan ni Deguito ang ilan sa kanyang mga tauhan para ilipat ang isang plastic bag ang P20 Million cash.
Nang mailipat ito ng lalagyan ay magkatulong na isinakay sa kotse ni Deguito ang nasabing pera nina Torres at ng kanilang messenger na si Jovy Morales.
Si Deguito ay sinampahan ng kaso ng Anti-Money Laudering Council (AMLC) dahil sa paglabag nito sa Anti-Money Laudering Law.
Siya rin ang itinuturong utak ng pagpasok sa RCBC ng pera mula sa Bangladesh Central Bank na umano’y na-hacked ng ilang Chinese Hackers.
Si Deguito rin ang itinuturong utak sa paggawa ng ilang fictitious accounts kaya madaling naipalit sa Philippine Peso ang nasabing malaking halaga ng pera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.