Bayanihan 3, premature pa para isulong – Palasyo

By Chona Yu November 17, 2020 - 02:35 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Premature pa para isulong ang panukalang batas na Bayanihan 3.

Tugon ito ng Palasyo sa panukala ni Senador Raph Recto na magpasa ng Bayanihan 3 para maayudahan ang mga nabiktima ng sunud-sunod na bagyo sa bansa

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, titingnan muna ng Palasyo kung ano ang lalamanin ng P4.5 trilyong national budget para sa taong 2021.

Kung nakapaloob na aniya sa pambansang pondo ang ipang-aayuda sa mga nabiktima ng bagyo, hindi na kailangan ang Bayanihan 3.

Pero kung may kakulangan naman aniya, maaaring atupagin na ang pagkakaroon ng Bayanihan 3.

Matatandaang ipinasa ng Kongreso ang Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1) na may P275 bilyon at Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) na may P140 bilyong pondo para ipang ayuda sa nga naapektuhan ng pandemya sa COVID-19.

TAGS: Bayanihan 3, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Bayanihan 3, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.