Pinuri ng Palasyo ng Malakanyang ang anti-corruption campaign ng Bureau of Internal Revenue.
Ito ay dahil sa naging epektibo ang BIR sa pangulongolekta ng buwis.
Ayon kay BIR commissioner Cesar Dulay, nakakolekta ang BIR ng 1.58 Trilyong buwis mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon sa kabila ng pandemya sa COVID-19.
Lagpas aniya ito sa target na P1.4 Trilyon.
Umaasa si Dulay na aabot sa dalawang trilyong piso ang makokopekta ng BIR bago matapos ang taong ito.
Kaywiran ni Dulay, unti-unti na kasing nagbubukas ang pag-nenegosyo kung kaya asahan nang sisigla ang ekonomiya sa mga susunod na araw.
Kinilala ng palasyo ang trabaho ng BIR base na rin sa ulat ng Malacañang 8888 Citizens’ Complaint Center na siyang pumuri l sa 100 porsyentong pagtalima nito sa Citizen’s complaints hanggang Sept. 30, 2020 sa itinakdang petsa ng nasabing complaint center.
Tiniyak naman ni Dulay na patuloy niyang tatanggalin sa puwesto ang mga tiwaling tauhan ng BIR at paiimbestigahan sa Department of Justice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.