Dalawang pulis na nagpakita ng kabayanihan sa kasagsagan ng rescue ops sa Cagayan at Isabela binigyang-parangal

By Dona Dominguez-Cargullo November 17, 2020 - 06:24 AM

Binigyan ng pagkilala ang dalawang pulis na kapwa nagpakita ng natatanging kabayanihan sa rescue operations sa naranasang pagbaha sa Cagayan at Isabela.

Sa idinaos na flag raising ceremony ng Police Regional Office-2 ginawaran ng Medalya ng Kasanayan o PNP Efficiency Medal si Pat. Brayan Bangayan.

Ito ay dahil sa pagsagip ni Bangayan at pagpapaanak nito sa isang ginang sa kasagsagan ng pagbaha sa Tuguegarao City.

Dahil din sa ipinakitang katapangan ng isa pang pulis na si Pat. Jayrick Talosig ay ginawaran naman ito ng Medalya ng Kadakilaan.

Iniligtas ni Talosig ang dalawang lalaki na kinabibilangan ng isang SK Chairman sa hanggang leeg na baha sa Ilagan City, Isabela.

 

 

 

 

TAGS: Cagayan, COVID-19, department of health, flash flood, Health, Inquirer News, isabela, Medalya ng Kadakilaan, Medalya ng Kasanayan, MGCQ, pandemic, Pat. Brayan Bangayan, Pat. Jayrick Talosig, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cagayan, COVID-19, department of health, flash flood, Health, Inquirer News, isabela, Medalya ng Kadakilaan, Medalya ng Kasanayan, MGCQ, pandemic, Pat. Brayan Bangayan, Pat. Jayrick Talosig, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.