Inter-Agency Task Force para typhoon rehab, tamang hakbang – Sen. Go
Naniniwala si Senator Christopher Go na tamang hakbang ang pagbuo ng isang Inter-Agency Task Force na mamamahala sa rehabilitasyon ng mga lugar na labis na napinsala ng mga nagdaang bagyo.
Sinabi ni Go na ito ay diskarteng ‘whole of government approach’ at para matiyak na sapat ang magiging pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng mga bagyo at pagbangon ng mga nasalantang komunidad.
Iginiit ng senador na palagi namang ipinagbibilin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na agad bigyan ng tulong ang mamamayan at gamitin ang lahat ng ari-arian ng gobyerno sa pagtulong.
“Patuloy ang rescue and response operations ng military and uniformed personnel hanggang maisalba ang lahat ng nangangailangan ng saklolo. Handa rin ang mga ahensya na tulungan ang mga nasalanta at patuloy ang pagbibigay ng mga pagkain, tubig, gamot, at iba pang relief assistance at pati na rin financial aid,” ayon sa senador.
Dagdag pa nito, pinagsusumikapan ding maibalik na sa pinakamadaling panahon ang suplay ng kuryente at tubig, maging ang komunikasyon sa mga apektadong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.