Bilang ng evacuees sa Cagayan, nadagdagan pa
Nadagdagan pa ang bilang ng mga inilikas na residente sa Cagayan dahil sa pagbaha.
Ilang lugar kasi sa nasabing probinsya ang lubog pa rin sa baha dulot ng Bagyong Ulysses.
Ayon sa Cagayan Public Information Office, base sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office hanggang 11:00, Linggo ng umaga (November 16), umabot na sa kabuuang 45,483 pamilya o 154,097 ang bilang ng evacuees sa Cagayan.
Ito ay mula sa 273 barangay sa 24 munisipalidad.
Samantala, nasa 100,790 pamilya o 393,613 katao naman ang kabuuang bilang ng mga apektado ng bagyo.
Base rin sa datos, nasa 10 pa rin ang bilang ng nasawi habang apat ang nasugatan at lima ang nakuryente.
Narito naman ang lagay ng mga kalsada sa Cagayan:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.