WATCH: Palasyo, umapela sa publiko na huwag nang punahin ang biro ni Pangulong Duterte
Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na huwag nang punahin ang biro, araw ng Linggo (November 15), ni Pangulong Rodrigo Duterte sa situation briefing ukol sa bagyong Ulysses sa Camarines Sur.
Sa naturang briefing kasi biniro ni Pangulong Duterte si Office of the Presidential Adviser for Bicol Affairs Undersecretar Marvel Clavecilla na tumanda na ang kanyang classmate dahil sa sobrang babae.
Sinagot naman ito ni Clavecilla na Undersecretary daw siya kung kaya dapat na siyang gawing Secretary.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais lamang ni Pangulong Duterte nai-lighten o pagaanin ang mood ng mga taga-Bicol lalo’t walang ibang nakita ang Pangulo buong araw kundi ang sunud-sunod na kalamidad.
Nagsagawa kasi ng aerial inspection, araw ng Linggo (November 15), ang Pangulo sa Cagayan Valley af Bicol kung saan kitang-kita na lubog sa baha ang mga nabanggit na lugar.
Kilala na rin aniya ang Pangulo at nasa kanyang personalidad na ang pagiging palabiro.
Dapat aniyang hayaan na ang Pangulo na magbiro tuwing may kalamidad.
Narito ang buong ulat ni Chona Yu:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.