Pangulong Duterte nagpapasaklolo sa LGUs sa pagkumbinsi sa mga residente sa low-lying area na lumipat ng tahanan
Humihingi na ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa local government units na kumbinsihin ang mga residenteng naninirahan sa low lying areas o sa mga lugar na madalas bahain at landslide na lumikas na sa mas ligtas na lugar.
Ayon sa pangulo, may mga housing resettlement naman ang pamahalaan na maaring paglipatan.
Hindi maikakaila ayon sa pangulo na pahirapan ang pagkumbinsi sa mga residente na lumipat ng bahay.
Hangga’t hindi aniya lumilipat ng bahay ang mga residente na naninirahan sa mga mapanganib na lugar, magiging paulit-ulit lamang ang kalbaryo at trahedya.
Matatandaang maraming bahay ang nalubog sa baha sa Cagayan Valley at Isabela dahil sa bagyong Ulysses
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.