Alden Richards nakalikom ng mahigit P200,000 sa kaniyang “streaming for a cause”, ibibigay sa mga nasalanta ng bagyo

By Dona Dominguez-Cargullo November 16, 2020 - 11:13 AM

Umabot sa mahigit P200,000 ang nalikom ng aktor na si Alden Richards sa kaniyang isinagawang “streaming for a cause”, Linggo, Nov. 15 ng gabi.

Nag-live stream si Alden ng kaniyang paglalaro ng Mobile Legends.

Hinimok ni Alden ang kaniyang fans na manood at ibahagi ang streaming at hinikayat silang mag-donate sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses.

Kapalit nito, may pa-giveaway si Alden na iPhone 11 pro max.

Sa kaniyang update sa Twitter, sinabi ni Alden na umabot sa P222,559 ang nalikom na donasyon.

Ang kabuuang halaga aniya ay ibibigay sa mga nasalanta ng bagyo.

“Maraming salamat sa lahat ng nag donate. Folded hands Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagyo,” ayon sa aktor.

 

 

 

TAGS: ALden Richards, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, mobile legends, Philippine News, Radyo Inquirer, streaming for a cause, Tagalog breaking news, tagalog news website, UlyssesPH, ALden Richards, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, mobile legends, Philippine News, Radyo Inquirer, streaming for a cause, Tagalog breaking news, tagalog news website, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.