Pagpapabaya sa mga dam ang ugat ng Cagayan at Isabela flash floods, ayon kay Sen. Imee Marcos
Sinabi ni Senator Imee Marcos na halos apat na dekada nang hindi naaayos ang Magat Dam at kalbo na rin ang kabundukan na nasa paligid nito kayat matindi ang nangyaring flash floods sa Isabela at Cagayan.
Ayon kay Marcos dapat i-upgrade ang mga water infrastructure dahil kung hindi aniya ay magpapatuloy lang ang tinatawag na cycle of calamity, panic and suffering.
Ibinalik aniya ng bagyong Ulysses ang matinding sindak na idinulot ng bagyong Ondoy at dagdag pa ni Marcos nakapaghanda man ang gobyerno, kinapos pa rin ito dahil hindi naikunsidera ang magiging lawak ng pinsala.
Maghahain ng panukala sa Senado si Marcos para maayos ang mga water infrastructures and facilities sa bansa, gayundin ang pamamahala sa mga ito para makasabay sa pagbabago ng panahon at populasyon.
Binanggit nito ang higit kalahating siglo ng Angat Dam, na pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila, na may lumalago pang populasyon na 12 milyon.
Ayon pa sa senadora dapat ay buhayin din ang flood control projects, tulad ng hindi natapos na Paranaque Spillway na napagplanuhan aniya noon pang dekada 70 at ang patuloy na dredging ng Laguna de Bay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.