Northern Luzon apektado na ng Amihan; Easterlies iiral sa nalalabing bahagi ng bansa
Northeast Monsoon na o hanging amihan ang nakaaapekto sa Northern Luzon.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Lunes, Nov. 16 ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong mga isolated na pag-ulan dahil sa amihan.
Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin din ang mararanasan at maaring magkaroon ng isolated thunderstorms dahil sa easterlies.
Wala namang sama ng panahon na binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.