Climate change, dahilan ng malakas na bagyo at pagbaha – Duterte

By Chona Yu November 15, 2020 - 09:13 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Climate change ang itinuturing dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya nakararanas ng malakas na bagyo at pagbaha ang bansa gaya nang nangyari sa Isabela at Cagayan.

Ayon sa Pangulo,  ang mainit na klima sa Pacific Ocean ang dahilan kung kaya malakas ang water vapor at nabubuong ulan.

Sinabi pa ng Pangulo na binigyang diin niya sa katatapos na virtual ASEAN Summit ang kahalagahan na tugunan ang climate change.

Sinabi pa ng Pangulo na gumamit siya ng matatapang na lenggawahe sa ASEAN Summit para ipunto kung ano ang ginagawa ng ibang tao na nagdudulot ng global warming.

Nakadidismaya ayon sa Pangulo na nasisisi ang Pilipinas sa global warming gayung kakaunti lang naman ang pabrika sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.