Bilang ng evacuees sa Cagayan, umakyat na sa higit 44,000
Nadagdagan pa ang bilang ng mga inilikas na residente sa Cagayan dahil sa pagbaha.
Lubog pa rin kasi sa baha ang nasabing probinsya dulot ng Bagyong Ulysses.
Ayon sa Cagayan Public Information Office, base sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office hanggang 12:00, Linggo ng tanghali (November 15), umabot na sa kabuuang 44,660 pamilya o 151,975 ang bilang ng evacuees sa Cagayan.
Ito ay mula sa 253 barangay sa 24 munisipalidad.
Samantala, nasa 43,838 pamilya o 174,940 katao naman ang kabuuang bilang ng mga apektado ng bagyo.
Base rin sa datos, 10 ang bilang ng nasawi habang pito naman ang nasugatan.
Patuloy pa rin naman ang pagsasagawa ang rescue and relief operation ng mga ahensya ng gobyerno sa nasabing lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.