Pahayag ng mga opisyal ng gobyerno sa bilang ng mga nasawi sa #UlyssesPH, magkakaiba

By Chona Yu November 13, 2020 - 01:25 PM

Magkakaiba ang pahayag ng mga opisyal ng gobyerno sa bilang ng mga nasawi sa bagyong Ulysses.

Sa special presidential briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi ni Presidential Spokesman Harry na labing dalawa katao ang nasawi sa bagyo.

Pero sa talaan ni Interior Secretary Eduardo Año, labing apat ang kumpirmadong nasawi.

Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Gilbert Gapay, tatlmupot siyam katao ahg nasawi.

Sa panig ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas, sinabi nito na dalawamput anim katao ang nasawi sa bagyong Ulysses.

Paliwanag nina Roque at Año, kaya magkakaiba ang bilang dahil kailangan pa itong sumailalim sa verification.

Ayon kay Año, kailangan kasing tiyakin na ang bagyong Ulysses ang sanhi ng pagkamatay ng ilang biktima.

Ayon kay Año, sa ngayon, ang kumpirmadong nasawi dahil bagyo ay 14. / Chona yu

 

TAGS: AFP, año, Bagyong Ulysses, bilang ng mga patay, NDRRMC, PNP, Roque, sinas, AFP, año, Bagyong Ulysses, bilang ng mga patay, NDRRMC, PNP, Roque, sinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.