Halaga ng imprastrakturang nasira ng #UlyssesPH umabot na sa P4.2B
Pumalo na sa 4.2 bilyon piso halaga ng imprastraktura ang nasira ng bagyong Ulysses.
Sa special presidential briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sinabi ni Public Works and Highways secretary Mark Villar na aabot sa limamput dalawang road sections ang sarado pa ngayon at hindi pa madaanan ng mga sasakyan dahil sa bagyong Ulysses.
Sarado ang mga kalsada dahil sa landslide, makapal na putik, mga natumba na puno at baha.
Sa naturang bilang, labing apat na kalsada ang mula sa Cordiellar Administrative region (CAR) , isa sa Region 1, labing tatlo sa Region 2, walo sa Region 3, pito sa Region 4-A, walo sa Region 5 at isa sa Region 8.
Ayon kay Villar, 19 ang national road na may limited access
Ayon kay Villar, 92 ang naisarang kalsada pero dahil sa mabilis nap ag aksyon ng DPWH, 40 ang agad nan a clear.
Inaasahang malilinis ang lahat ng kalsada at madadaanan na ng sasakyan bukas, November 14, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.