VP Binay nagpadala ng P100-M sa Hongkong gamit ang Philrem

By Inquirer, Jay Dones March 17, 2016 - 04:49 AM

 

Inquirer file photo

Nagpadala umano ng aabot sa 100 milyong piso ang law firm ni Vice Preisdent Jejomar Binay sa isang kumpanya sa Hong Kong gamit ang mismong remittance agency na nasasangkot ngayon sa $81-million money laundering scheme na iniimbestigahan sa senado.

Sa report ng Inquirer, isinasaad na ang Philrem Service Corp, ang siyang nangasiwa sa paglilipat ng ilang transaksyon sa Citibank sa Hong Kong na nakalaan para sa isang kumpanya sa British Virgin Islands na Three Star Phil. Noong 2014.

Ang Three Star ayon sa report ng Anti-Money Laundering Council ay isa umanong investor sa isang itinuturong dummy company ni Binay.

Matatandaang sa senate hearing noong Lunes, lumitaw na ang Philrem rin ang nagpalit ng 81-milyong dolyar na natangay ng mga hackers sa Bangladesh Bank tungong Philippine peso sa kontrobersyal na money laundering scheme kung saan nasasangkot at RCBC.

Batay pa rin sa ulat ng AMLaC, ilan sa mga umano’y ‘kickback’ na tinanggap ni Binay sa mga proyektong isinagawa sa Makati City ay napunta sa Hong Kong bank.

Muli namang iginiit ni Vice President Binay na bahagi lamang ng ‘black propaganda ang report ng AMLAC upang idiskaril ang kanyang kandidatura.

Sinabi rin ng kampo ni Binay na peke ang naturang report.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.