120 milyong halaga ng sigarilyo nasabat ng Customs

By Chona Yu November 13, 2020 - 08:14 AM

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit 120 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo sa port ng Cagayan de Oro.

Ayon sa BOC Commissioner Rey Guerrero, isang concerned citizen ang nagtimbre na mayroong isang barko ang kargado ng mga sigarilyo.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang BOC sa M/L Nur 1 na galing ng Indonesia at patungo na sana sa Indanan Sulu.

Tumambad sa mga tauhan ng BOC ang tatlong libong kahon ng sigarilyo na walang mga kaukulang dokumento.

TAGS: BOC, port ng Cagayan de Oro, sigarilyo, BOC, port ng Cagayan de Oro, sigarilyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.