RCBC manager, handang ibunyag ang nalalaman sa executive session

March 17, 2016 - 04:35 AM

 

DeguitoInaasahang ilalantad lahat ng RCBC bank manager na si Maia Deguito ang lahat ng kanyang nalaman sa magaganap na executive session sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa $81-milyon money laundering scheme.

Gayunman, sinabi ni Senador Teofisto Guingona III, pinuno ng blue ribbon committee na kanyang ikokonsulta muna sa mga miyembro ng komite kung nais pa ng mga itong mapakinggan ang anumang sasabihin ni Deguito.

Sakali aniyang pumayag ang mga miyembro ng panel, kanilang iimbitahan din sa executive session ang mga kasapi ng Anti-Money Laundering Council o AMLAC.

Sa kasalukuyan, nasa apat na senador ang nagpahayag ng pagnanais na mapakinggan kung ano man ang isisiwalat ni Deguito sa executive session.

Kabilang na dito sina senador Sergio Osmeña III, Sonny Angara, Ralph Recto, at si Senador Guingona.

Si Deguito ang nadidiin sa paglusot ng sinasabing 81milyong ‘dirty money’ na nakulimbat ng mga hackers sa Bangladesh Bank na idineposito sa apat na account sa RCBC noong February.

Ang naturang pera ay napunta sa apat na fictitious accounts na sinasabing pinroseso ni Deguito bago ito nailabas muli ng bansa.

Samantala, nakatakda na ring ipatawag ng Department of Justice si Deguito upang humarap sa preliminary investigation sa money-laundering case na isinampa laban sa kanya at sa apat na ibang personalidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.