Heavy rainfall warning, nakataas pa rin sa NCR at ilang lugar sa bansa

By Angellic Jordan November 12, 2020 - 02:46 PM

Credit: PAGASA FB

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Huwebes ng gabi (November 12), ito ay dulot pa rin ng Typhoon Ulysses.

Nakataas ang red warning level sa Aurora, Cagayan at Occidental Mindoro habang orange warning level naman sa Quirino, Apayao at Isabela.

Yellow warning level naman ang nakataas sa:
– Metro Manila
– Tarlac
– Pampanga
– Zambales
– Bataan
– Bulacan
– Cavite
– Laguna
– Batangas
– Rizal
– Nueva Vizcaya
– Ifugao
– Benguet
– Northern Palawan
– Ilocos Norte (Adams, Dumalneg, Bangui, Nueva Era at Pagudpud)
– Kalinga (Fuga Island at Abra)

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Asahan naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Mt. Province, Pangasinan, La Union, Nueva Ecija at Quezon.

Sinabi ng weather bureau na mararanasan ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

TAGS: Bagyong Ulysses, breaking news, heavy rainfall warning, Inquirer News, Orange Warning Level, Pagasa, Radyo Inquirer news, red warning level, Typhoon Ulysses, Typhoon Ulysses landfall, UlyssesPH, weather update November 12, yellow warning level, Bagyong Ulysses, breaking news, heavy rainfall warning, Inquirer News, Orange Warning Level, Pagasa, Radyo Inquirer news, red warning level, Typhoon Ulysses, Typhoon Ulysses landfall, UlyssesPH, weather update November 12, yellow warning level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.