Aerial surveillance, isinagawa ng PCG sa Marikina, Rizal at CAMANAVA
Nai-deploy na ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) ang BN Islander plane para magsagawa ng aerial surveillance sa Marikina, Rizal, at CAMANAVA, Huwebes ng tanghali (November 12).
Layon nitong makatulong sa nagpapatuloy na rescue operations sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses.
Maliban dito, layon din nitong malaman ang lawak ng nararanasang pagbaha sa mga apektadong lugar.
Naka-deploy din ang dalawang airbus light twin engine helicopters para naman sa aerial rescue operation.
Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng PCG sa mga na-trap na indibiduwal sa bahagi ng Barangay Barangka sa Marikina.
Sinabi ng ahensya na mayroon pang paparating na rubber boat para maisakay ang 10 nailigtas na residente kabilang ang isang buntis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.