#UlyssesPH lumakas pa; Tumama sa kalupaan ng General Nakar, Quezon
Muling tumama na sa kalupaan ng Quezon province ang Typhoon Ulysses.
Batay sa abiso ng PAGASA, nag-landfall ang sentro ng bagyo sa bayan ng General Nakar bandang 1:40 ng madaling-araw.
Ito na ang ikatlong pagtama sa kalupaan ng bagyo sa Quezon province.
Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng nasabing bayan dakong 1:40 ng madaling-araw.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong West Northwest.
Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 3:
– The southern portion of Quirino (Maddela, Nagtipunan), the southern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax Del Norte, Dupax Del Sur), Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, the northern and central portions of Quezon (Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Lopez, Quezon, Alabat, Perez, Mauban, Real, Infanta, General Nakar, Sampaloc, Atimonan, Plaridel, Gumaca, General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Agdangan, Padre Burgos, Pagbilao, Lucena City, Tayabas City, Lucban, Sariaya, Candelaria, San Antonio, Tiaong, Dolores) including Polillo Islands, and the western portion of Camarines Norte (Labo, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Santa Elena)
Signal no. 2:
– The central and southern portions of Isabela (Mallig, Quirino, Ilagan, Roxas, Burgos, Gamu, Palanan, San Mariano, Dinapigue, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Cauayan City, San Mateo, Alicia, Angadanan, Echague, Jones, San Agustin, San Isidro, Ramon, Santiago City, Cordon), the rest of Quirino, the rest of Nueva Vizcaya, Mountain Province, Ifugao, Benguet, the southern portion of Ilocos Sur (Cervantes, Quirino, San Emilio, Lidlidda, Santiago, Banayoyo, Candon City, Galimuyod, Gregorio Del Pilar, Salcedo, Santa Lucia, Santa Cruz, Sigay, Suyo, Tagudin, Alilem, Sugpon), La Union, the northern portion of Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog) including Lubang Island, the northern portion of Oriental Mindoro (Pola, Victoria, Naujan, Baco, Calapan City, San Teodoro, Puerto Galera), Marinduque, the rest of Quezon, the rest of Camarines Norte, and Camarines Sur
Signal no. 1:
– The rest of Isabela, Kalinga, Abra, the rest of Ilocos Sur, the rest of Occidental Mindoro, the rest of Oriental Mindoro, Romblon, Albay, Sorsogon, Catanduanes, and the central and western portions of Masbate (Mandaon, Balud, Milagros, Mobo, Masbate City, Baleno, Aroroy) including Burias and Ticao Islands
Ang mga nasabing lugar ay patuloy na makararanas ng masungit na panahon o malakas na pag-ulan at hangin na maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Ayon sa PAGASA, inaasahang tuluyan lalabas ng teritoryo ng bansa ang bagyo sa bukas ng umaga o hapon.
Hanggang Huwebes ng hapon, sinabi ng PAGASA na iiral ang heavy to intense na kung minsan ay torrential rains sa Camarines Norte, Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon, Quirino, Nueva Vizcaya, at eastern portion ng Isabela.
Katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan Valley, Pangasinan, Marinduque, northern portion ng Mindoro Provinces kasama ang Lubang Island, at Camarines Sur.
Samantala, mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararamdaman sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.