P13B payout sa turismo, scholarship ng mga anak na OFW nakahanda na—DOLE
By Chona Yu November 11, 2020 - 07:24 AM
Nakahanda na ang P13 bilyong payout sa mga naapektuhan ng pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sa naturang pondo, P3 bilyon ang para sa sektor ng turismo, P300 milyon sa mga guro na non teaching positions, at P1 bilyon para sa mga scholar na anak ng overseas Filipino worker na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Nakapagbigay na rin aniya ang DOLE ng payout sa mga nabiktima ng bagyong Rolly sa Virac at Bato Catanduanes sa ilalim na rin ng Tupad program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.